LET Reviewer GenEd: Filipino Part 2

NoBoots Channel
0

 


Taking the Board Exam is not easy for those who did not study! That is really true. People think that they need to rely only on luck and some says it only perceives or gets on stock knowledge. 

But no such thing as that! No person can be called PROFESSIONALS if they did not pass the board and they won't be called themselves LICENSED if they won't work hard for it. 

In this Chapter, We would like to give you a sort of Reviewers that will eventually boost your mind.


General Education: FILIPINO

Part 2

1. Isang tanyag na Pilipinong manunulat na may sagisag - panulat na "Kalipulako".
🐢MARIANO PONCE 

2. HINDI epiko ng Mindanao.
🐢ALIM

3. Ang titik na "ng" sa Alpabetong Filipino ay nagmula sa alpabetong _____.
🐢ABAKADA

4. Ilang titik ang hiniram ng Alpabetong Filipino mula sa Alpabetong Ingles?
🐢 7

5. Ama ng Zarzuelang Tagalog
🐢SEVERINO REYES


6. Anong titulo sa panitikan ng Pilipinas ang ibinigay sa may-akda sa tulang pinakamagatang "Isang Dipang Langit"?
🐢MAKATA NG MANGGAGAWA

7. Isa sa pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles at kilala sa kanyang sagisag panulat na "Doveglion".
🐢JOSE GARCIA VILLA 

8. Kinilala siyang "Makata ng Pag-ibig" at  "Hari ng Balagtasan" ng kanyang panahon. Siya ang sumulat sa titik ng makabayang awitin na "Bayan Ko".
🐢JOSE CORAZON DE JESUS 

9. Ang may-akda ng tulang "Ako Ang Daigdig".
🐢ALEJANDRO ABADILLA

10.  "Sabihin mo na ang totoo.
        Totoo at walang bahid na kasinungalingan.
        Kasinungalingan ay 'di ko tatanggapin.
        Tatanggapin lamang kung ano ang totoo at nararapat sa akin."

Ang nasa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?
🐢ANADIPLOSIS


11. "Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin.
       Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko.
       Sa kanya lamang at wala ng iba."

Anong uri ng tayutay ang pinapakita sa itaas?
🐢ANAPORA

12. "Ipaglalaban kita dahil mahal kita.
        Aalagaan kita dahil mahal kita.
        Kailangan kita dahil mahal kita."

Ang nasa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay ?
🐢EPIPORA

13. "Ang aking pag-ibig ay tanging sa iyo lamang." Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.
🐢DI-KARANIWAN

14. Halimbawa ng klaster:
🐢PLUMA  

15. Halimbawa ng salitang may diptonggo:
🐢BUHAY


16. Ang naging pangalan ng wikang pambansa noong 1959.
🐢PILIPINO

17. "Nakulong si Janette." Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.
🐢KARANIWAN

18. Ang teorya ng wika na ang nagsasabing ang wika ay nailikha bunga ng masidhing damdamin ng tao.
🐢POOH-POOH 

19. Uri ng akdang pampanitikan na patula at tungkol sa pangangatwiran at tagisan ng talino?
🐢TULANG PATNIGAN

20. "Ikaw ang aking mahal." Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.
🐢DI-KARANIWAN 

21. Ang "Hindi po namin kayo tatantanan" at "Dahil hindi natutulog ang balita 24 oras" ay mga tanyag na pahayag ni Mike Enriquez sa telebisyon. Sa anong barayti ng wika ito naiuuri?
🐢IDYOLEK

22. "Ang palasyo ay nag-anunsyo na walang pasok bukas." 
Ano ang tayutay ang ginamit sa pahayag sa itaas?
🐢PAGPAPALIT-TAWAG

23. HINDI epiko ng Bisaya:
🐢BIDASARI

24. HINDI tulang pasalaysay:
🐢MORO-MORO

25. May sagisag-panulat na BATIKULING at nahirang na Makatang Laureado:
🐢JESUS BALMORI 

26. Epiko ng mga IFUGAO
🐢HUDHUD

27. Pinakasikat na epiko ng mga ILOKANO
🐢BIAG NI LAM-ANG

28. "Umiiyak si Ana habang siya ay nagbasa ng isang sulat." Anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang pangungusap na ito?
🐢HUGNAYAN
 
     (Ang HUGNAYAN ay isang uri ng pangungusap ayon sa kayarian na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-iisa.)

29. "Nasusunog ang bahay!" 
Anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang pangungusap na ito?
🐢PAYAK
 
      (Ang PAYAK na pangungusap ay isang uri ng pangungusap ayon sa kayarian na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa. Ang pasalaysay at padamdam ay uri ng pangungusap ayon sa gamit.)

30. "Agap-ito Bagumbayan"
🐢ANDRES BONIFACIO


Post a Comment

0Comments

Post your comment

Post a Comment (0)